Let me be the ground beneath your feet. And you, in this happy ending, will be all the earth I need.
         -S.Rushdie

03 June, 2016

Para sa iyo.


Halika anak, maglakbay tayo. Samahan mo ako habang may panahon tayo. Samahan mo akong harapin ang lahat ng ibibigay ng kapalaran sa atin.


Samahan mo ako, sabay nating tuklasin ang mundo na kalalakhan mo.

Samahan mo ako, baybayin natin and bawat sulok ng ilog ng tadhana natin.


Alam ko, balang araw, ay kukulangin tayo ng panahon. Pero sa ngayon, samahan mo ako.


Halika anak, andirito lang kami ng nanay mo. Dito sa umaga ng iyong buhay, nangangako, na wala kang pagsisidlan ng pamamahal na ibubuhos namin sa 'yo.

Samahan mo kami, habang may oras tayo.

Halika anak, maglakbay tayo. Maglakad tayo, sa piling ng mga tala at alon. Samahan mo ako dito sa dalampasigan ng bukas at kahapon.

No comments:

Post a Comment