Let me be the ground beneath your feet. And you, in this happy ending, will be all the earth I need.
         -S.Rushdie

23 February, 2020

Sumamo

Giliw,

Hindi man natin alam kung ano ang taglay ng bukas magkasama natin itong lakbayin at asahan ang pangako niyang bukang liwayway.

Ikaw, na aking ngayon, na aking kahapon, ang sinag, ang alab, ang liyag ng aking buhay, ang tangi kong minimithi na makasama hanggang sa paghupa ng panahon.

Magkabigkis ang lakbay noon pa man, pinagsama ng oras at tadhana ang buhay natin.

Na habang buhay na tayong hindi magiisa- iyan ang inaasahang pangako - ang sumamo, ang pagmamakaawa, ang sigaw ng pabulong sa tuwing nakapatay na ang ilaw.

Napakarami pa. Napakarami pa tayong dapat pagsamahan - sakit, saya, tawa, iyak, away, bati. Madami pa tayong dapat pag usapan - tungkol sa mga bata, sa buhay, sa kanila, sa atin.

Madami pa tayong dapat hindi pagusapan - mga oras na tahimik at walang imik. Mga oras na basta't katabi ka ay sapat na.

Tara, sinta. Sabay natin harapin ang takipsilim at maghintay sa darating na umaga.

Halika na, sasamahan kita. Sasamahan kita at hindi ako bibitaw.




No comments:

Post a Comment