Let me be the ground beneath your feet. And you, in this happy ending, will be all the earth I need.
         -S.Rushdie

02 January, 2011

Dumaan Ako


Berso #2
ni Maningning Miclat
(1972-2000)

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog.

Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin.

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Makinig sa awit mula sa kabilang dako
At tuklasin sa paglalakad na ito
Hamog at luha ng bulaklak at damo.

Mapapanood ang sayaw ng tutubi
Mapapakinggan ang ibong humuhuni
Hihinahon ang pusong hindi mapakali
At hihimlay na sa mapayapang gabi.

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay nahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog.

(Click to watch music video)

Music by Cynthia Alexander and Joey Ayala

No comments:

Post a Comment