
Grabe. Tatlong dekada na pala akong nabubuhay sa mundo.
Tatlong dekada na pala ang lumipas simula nang namboso si kuya ng nurse sa ospital habang nanganganak ang nanay ko.
Tatlong dekada na rin pala akong palutang-lutang na parang pulang lobong walang pupuntahan.
'Di ba yung trenta ay edad ng mga mamang nag-iinuman sa kanto? Dapat ba nagsusuot na rin ako ng polo na nakabukas at mapula ang dibdib ta's amoy alak?
Well, nakapagbayad naman na ako ng income tax kahit papaano. Hindi naman ako siguro katulad nila.
Madami-dami na rin pala akong napangarap sa buhay--doctor, engineer, titser--at meron din na panahon na pinangarap kong maging tambay. At least 'yun natupad nang sandali.
Nangarap din nga pala akong maging journalist, alam niyo ba 'yun? Natapos ko naman 'yung kurso, kaya lang nung nag-apply ako, no takers--going once, going twice--fine. 'di 'wag. Napakaganda naman kasi ng transcript ko--puro palakol. Hindi ko naman kasi alam na tinitingnan pala 'yun pag nag-a-apply. Sayang, kung natuloy 'yun eh di makikita ko sana ang sarili ko sa TV, sa gitna ng bagyo o 'di kaya sa gitna ng mga nagbabatuhan sa rally sa Mendiola. Ta's sasabihin ko, "Eto po si [insert name here], nag-uulat!
Astig sana 'yun.
Gusto ko rin sana maging sundalo--first love ko talaga 'yun. Kaya lang sabi ng tatay ko ayos na ang may isang sundalo sa pamilya. OK lang, ayoko rin namang umitim.
Madami-dami na rin pala akong pinangarap. Madami-dami na rin and hindi natupad. Para pala akong pulitiko.
Naalala ko nung bata ako, dinala ako ng nanay ko dun sa bumbay sa Session Road, sa Tiongsan ata yun. Tiningnan ng bumbay 'yung noo ko, sabi niya marunong daw ako. Naniwala naman ang nanay ko. Malay ko ba kung gusto lang makabenta kaya nya sinabi 'yun. Siguro, kung tiningnan niya yung flipside ng noo ko, i.e., batok, eh malamang sinabi niya na "Ay kaya lang may katamaran pala. Sorry."
Naalala ko rin noong inangat nila ako from prep to kinder, advanced daw kasi ako. Hindi lang siguro nila na-realize na puro SPED lang talaga 'yung mga kaklase ko, at ako, normal lang. Kung alam ko lang na sa edad na trenta anyos eh nag-aaral pa rin ako, sana tinodo ko na 'yung pag-aadvance para quits-quits lang, 'di ba?
Pero 'wag kayo masyado mag-alala. Meron naman akong isa pang pangarap at medyo mukha namang matutupad. Sana, hopefully, sa awa ng Diyos ay maging abugado na ako. Apparently, okey lang ang dalawang abugado sa pamilya--sundalo, bawal.
Sana talaga pumasa ako para pwede ko nang tawagin ang sarili ko na "a respectable member of society." Maganda kasing pakinggan eh.
Naalala niyo ba dati nung tinatanong tayo na "What do you want to be when you grow up?" tapos sasagot ka ng "astronaut!" Eh kung alam ko lang na ganito pala ang kahihinatnan ko, sana sinabi ko na lang na "Aba, malay ko."
Pero sana, sana talaga, eto na yun. Eto na yung isasagot ko sa "What I want to be when I grow up" na matutupad. Kaya lang grown-up na pala ako. OK lang. At least, malapit-lapit na mangyari.
Trenta na pala ako. Bad trip ang tanda ko na.
No comments:
Post a Comment